FAIR FARE CALAMBA CITY (TRICYCLE FARE REDUCTION PETITION)

Comments

#206

Ang ibang bayan ay ibinaba na at bumalik na sa normal ang presyo ng pamasahe kung kaya't nararapat lamang na itigil na rin ang mala-gintong singil na pamasahe. Sa kabila nito, kaliwa't kanan na rin ang hindi pagsunod ng mga drayber ng tricycle at jeep. Halimbawa na lamang ang pagsasakaya ng higit labing anim na pasahero sa jeep. Kung susumahin, ang labing anim na pasahero ay normal na bilang noong hindi pa tay naaapektuhan ng pandemya. Kung ang pag doble ng pamasahe sa jeep ay nagsasakay lamang ng pinakamarami na ang walo, ito'y kauna-unawa pa ngunit hindi ganito ang nangyayari. Sa kabila ng pandemya, doble ang pamasahe ngunit siksikan na ang mga jeep. Minsa'y wala pang "barrier" o harang ang iilan. Gayundin sa mga tricycle kung saan hindi lang doble ang pagtaas ng pamasahe. Mula 10 at 20 na ngayo'y 50 hanggang 100. Kumpara noong bago pa man magtaas ang pamasahe, ang tricycle ay nagsasakay ng apat na pasahero. Katumbas nito ay 80 pesos na makatarungan sa dalawang panig (drayber at pasahero). Ngunit sa nangyayari ngayon, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpupuno ng tricycle na hindi sinusunod ng iba. Kung ang isang tricycle ay mayroong apat na pasahero, 200 na kaagad ang kita ng drayber na hindi makatarungan para sa panig ng mga pasahero. Puno na nga ang tricycle, doble pa rin ang pamasahe.

Sa kabila nito, maraming naghihirap dahil sa presyo ng pamasahe sa ating lungsod lalo na ang nga manggagawa na araw-araw naglalaan ng ilang daan para sa kanilang pamasahe na noo'y hindi umaabot sa tatlong numero ang bilang ng pamasahe. Ilang porsyento sa kanilang sinusweldo ay nakalaan na sa pamasahe kagaya ng mga datos na nabanggit sa sulat. DAHIL DITO, NARARAPAT NA IBALIK ANG DATING PRESYO NG PAMASAHE SA ATING LUNGSOD. HINDI BIRO ANG KUMITA NG PERA AT ILAAN ANG MALAKING PORSYENTO NITO PARA LAMANG SA PAMASAHE. HINDI DAPAT ITO MARANASAN NG MGA CALAMBEÑO LALO NA'T ANG IBANG KARATIG LUNGSOD AY BALIK NORMAL NA ANG PAMASAHE. ANG PAGTAAS NG OAMASAHE HANGGANG SA NGAYON AY WALA NANG DULOT NA MAGANDA PARA SA MGA CALAMBEÑO. HINDI PANTAY. HINDI EPEKTIBO. HINDI MAKATARUNGAN.

NAWA'Y MARINIG NIYO ANG BOSES NG INYONG NASASAKUPAN. BATID NAMIN ANG INYONG PAGTUGON. SALAMAT.

mxj (Calamba, 2022-02-22)

#208

Sobra po maningil talaga mga driver.

KARMELA MAY RIVAMONTE (CITY OF CALAMBA, 2022-02-23)

#216

It's very expensive to commute these days

Tricia Mendoza (Calamba, 2022-02-23)

#220

Hindi na makatarungan ang presyo ng pamasahe. Oo nga at pare-pareho naman tayong nahihirapan, pero hindi ba't mas namo-monitor naman nila ang kinikita nila? May ibang kumikita ng 1,000 isang araw, maaaring mas mababa, pero maaari ring mas mataas. Pero paano naman yung mga kumikita lang ng 373 araw-araw? Pamasahe pa lang, ubos na ang sweldo.

Ngunit hindi naman ito ang pinaka problema, palagi sana nating ugatin ang pinagmumulan nito. Ang pagbaba sa presyo ng petrolyo ang gawin sanang pangunahing panawagan.

Katherine Ustaris (Calamba, 2022-02-23)

#221

I will be a big help to me and to all Calambeños commuter

Farah Mecca Aclon (Calamba, 2022-02-23)

#231

I'm signing in because nowadays is really hard to earn money

Erica Ann Dela Cruz (Calamba City, 2022-02-23)

#239

The increase in tricycle fare causes minimum wage earners like me suffer everyday.

Amber Vitto (Calamba, 2022-02-23)

#243

Dapat lang ibaba ang pamasahe sa ating lungsod para naman hindi na hihirapan sa pasahe lang ang mamamayan ng calamba

Combalicer Christine (Calamba, 2022-02-23)

#245

FAIR FARE PLEASE!

Ferlie Sangcajo (Calamba, 2022-02-23)

#246

ang taas po nang pamasahe ..

Angel Yanson (calamba, 2022-02-23)

#253

Petition

Abel Allaga (Calamba, 2022-02-23)

#256

We need to lessen the fare price in calamba.

Jinky Blesrubio (Calamba, 2022-02-23)

#258

Because we can no longer afford the fare

Elra Ricarte (Calamba, 2022-02-23)

#265

Upang maibaba ang pamasahe

Mee Alviar (Calamba, 2022-02-23)

#269

Dahil naluluge ako pag napasok sa trabaho. Mataas pa ang pamasahe

Jaydee Saturno (Calamba, 2022-02-23)

#272

Bakit hindi naba Ang pamasahe sa calamba

Lara Jonard (Calamba, 2022-02-23)

#275

I'm signing because I'm student in City College of Calamba. The fare is not for students!! Some of my schoolmates can't afford to go to school.

Maureen Gutierrez (Calamba, 2022-02-23)

#278

Im signing because it's my choice for petition a trycle like mahal maningil ng pamasahe

Missy Daquiado (Calamba, 2022-02-23)

#281

I'm a minimum wage earner employee.

Jasmine Gecale (Calamba, 2022-02-23)

#285

Masyado na pong mabigat sa bulsa ang pamasahe. May ibang lugar po na di na dinadaan ng jeep hindi gaya dati kaya napipilitan kaming magtricycle na dahilan kayo lalong nalaki ang pamasahe. Hindi rin lahat ng driver sumusunod sa policy, yung iba nagsasakay na ng punuan pero ganun pa rin ang singil at hindi bumababa.

Kyla Elec (Calamba, 2022-02-23)

#292

hindi na makatarungan lalo na't sa kagaya ko na may asawang minimum wage earner sa pamasahe na lang halos napupunta ang sahod.

lealyn abiad (calamba, 2022-02-24)

#297

I’m affected by the high fare.

Dominique Diang (Calamba, 2022-02-24)

#309

I'm signing this because my mother lives in Looc Calamba Laguna which tricycle fare is 50 pesos per person.

Maria Jewel Bumanglag (Calamba, 2022-02-26)

#315

I agree, lalo na yung pamasahe sa kay anlog

Ma Cristina Gallaza (CALAMBA CITY, 2022-02-26)

#318

Masyado na talagang abusado ng mga drivers nakakaawa na mga pasahero na wala naman ibang magawa dahil kailangan nilang makapasok sa trabaho araw araw pero halos lahat ng kinikita nila ay napupunta na lamang sa pamasahe especially sa mga lugar na hindi lang naging doble o triple ang pamasahe dating 25 pesos each ngayon ay pumàpalo na ng 75-100 pesos

Lanie Alborte (Calamba, 2022-02-26)

#319

Over pricing kahit puno naman wala na social distancing espicially crossing terminal

Jessie Banilad (Calamba, 2022-02-27)

#329

because it's so hassle when where going to school and ride atleast 2 tricycle and the fare is so high

Xiomara Manzanero (Calamba, City, 2022-03-01)

#330

They demand for too much fare which is not fair.

Mae Gutierrez (Calamba, 2022-03-01)