xpresslink


Guest

/ #641 Re: Re: Re: :::Itimbremokaytulfo@gmail.com

2011-11-23 13:45

#635: - Re: Re: :::Itimbremokaytulfo@gmail.com



Magandang araw po!

Kami po ang residente ng Lower Molave St. Payatas B., Q. C. Nais po naming idulog ang suliranin ng aming Barangay ukol sa kalsada, sa ngayon po ay wala na po kaming maayos na daan dahil isanara ng Gawad Kalinga ang gaming daan. Dati po ay maluwag at kasyang makapasok ang sasakyan. Subalit ngayon po hindi na at isang single na motor na lang ang nakakapasok sa dahilang isinara na nga ng Gawad Kalinga ang malaking bahagi ng daanan.

Ang nais naming idulog, sa oras na magkaroon ng sunog o emergency, paano po makakadaan ang trak ng bombero sa sobrang liit na po ng aming madadaan at nahihirapan na po ang mga estudyante sa tuwing pumapasok sa school sa dahilang umiikot na po sila ng malayo.

At isa pa pong reklamo namin, ay ang mga poso-negro ng bawat bahay ng naturang pabahay ay walang maayos na imburnal at madalas pa ang pag-alingasaw ng mabahong amoy. Nagiging palaging basa na rin po ang aming daanan dahil sa mga naturang poso-negro. At dahil sa basing daanan, naging malubak at sira-sira na po ito.

Napagpasyahan po naming ilapit na po ito sa inyo sapagkat hindi na po ito pinapansin sa barangay at ang katwiran pa po sa amin ay kung wala raw pong reklamo, walang aksyon. Puro na nga po kami reklamo, sila po ang walang aksyon.

Umaasa po kami sa agarang aksyon sa aming idinudulog na problema dahil hindi po nasasabi kung kelan magkakaroon ng trahedya.

Maraming-maraming salamat po sa inyong kooperasyon.

 

Lubos na Gumagalang,

 

Ana Liza Jose

Edit Avila

Tel : 4273364

Mga Residente ng Lower Molave St.,Payatas B., Q. C/.