xpresslink


Guest

/ #243

2011-08-30 19:02

magandang umaga po sir tulfo. Ako po c diesebel senorrs isang care giver dito sa america minsan pong may trabaho minsan pong wala. Naka pagpatayo po ako ng isang maliit na bakery para naman po pag wala akong trabaho ay may pagkunan po ng pagkain ang pamilya ko. Nakatira po kami sa san juan ternate cavite. Naninirahan po kami sa lupang gobyerno na nasasakop po ng munisipyo ng ternate. Ng 16 na taon na po. Pero 12 taon lang po naming naipag bayad dahil nagbago po ng patakaran ang ating gobyerno. Ng nasa ika sampung taon napo kami ng aming pagtira ay may taong bigla pong nagsasabi na sa kanila raw po yung kalahate ng lupa. Sir taong 1994 po kami nagsabi sa kapitan ng brgy. Po namin kung pwede po naming linisin yung lugar na iyon na dati po ay sukalang sukalan.punayag po ang brgy. Kaptain namin at nilinis napo ng asawa ko yung lugar.ltumira po kami doon ay taong june 1994 nagsimula po kaming magbayad ng list taong 1995. Yung tao pong humahabol ay may pinanghahawakan pong papel na nagsasaad po na kanila yung kalahate ng lupa at nakatira sila doon ng taong 1992. Ng nilinis po namin yon taong 1994 at wala pong nakatira.at sukalan po. Sa papel nya po na 1992 paano. Nya po nahulaan na magiging kapit bahay nya kami sa taong 1994 kasi po naka lagay sa papel nya na nakatira sila ng 1992 na kapit bahay nya kami. Marami po ang mag papatunay na ng nilinis ng asawa ko ang lugar ng taong 1994 ay wala pong nakatira doon at sukalan po iyon. Ngayon po ay pinapaboran po sila ng mayor po namin na.c mayor lambert bambao ng ternate cavite hinihingan po kami ng 30.000 pesos ng taong humahabol.ang sabi po ni mayor ibigay po namin ang hinihinge at kung hinde ay.ipapasara po ang bakery. Tama po ba naman na magbayad kami ng.30.000 sa taong humahabol na may hawak ng pekeng dokumento tapos pinapaboran pa ng mayor namin. Sir tulfo ano po ba ang ka ukulang parusa sa gumagamit ng pekeng papel maka pang argabyado lang ng kapwa.at c mayor po na kumukunsinti sa maling gawa ng kapwa.pano po.ba hindi dadami ang masama kung ang mali ang pinapanigan ng may katungkulan. Nang aapi po sila ng kapwa. Sana po. Matulungan po ninyo kami. Marami pong salamat. At umaasa po ako sa inyong tulong. Diesebel senores po .