Repubic of the philippines
Province of Cavite
City of Dasmarinas
Brgy. sto nino 2
To : Mr Rarffy Tulfo/ Balitaang Tapat TV 5
From : ALPHAFOXTROTPAPA (219)/ 09212838813
Date : 28 July 2011
Subject : Petition of Slaughter House at Brgy. Sto nino 2 Dasmarinas city, Cavite
Dear Sir/ Madam,
Gud day! ako po ay residente ng brgy. sto nino 2, bayan ng dasmarinas lalawigan ng cavite. itago nyo na lamang ako sa pangalang (alphafoxtrotpapa) at ako po ay talagang masugid ninyong taga subaybay sa inyong programang "aksyon tv 5", balitaang tapat", Bitag" at lahat ng programa ng 'Tulfo' Brothers.
Amin pong inilalapit at inerereklamo sa inyo ang "slaughter house" dito sa aming baranggay. Mr. Orlando Cacut ang may ari ng nasabing katayan. ito ay nagsimulang mag operate noong 1980's pa.ilang beses napo itong inereklamo sa aming munisipyo ng mga residente ng aming bgry upang ipatanggal ngunit ito po ay hinde maalis alis. ang daming pangako na sinasabi hingil sa pag alis ng katayan ngunit ito ay walang katuparan. ang usap-usapan dito sa aming baranggay na naglalagay ng pera ang may ari ng katayan na si Mr. Orlando Cacut sa aming baranggay upang hinde ito matanggal. at ito ay hinde lamang sa aming baranggay nangyayari bagkus sa lahat ng may slaughter house sa lahat ng baranggay na nasasakupan ng dasmarinas city.
Ang slaughter house po ay may laking 80 sq. meters, at ito ay talagang napaka baho at delikado sa kalusugan ng mga katabing bahay lalong lalo na sa mga bata at sanggol na katabi ng nasabing katayan. ito po ay kinuhaan ko ng 'video' upang inyo pong makita.ito po ay pinangalanan kong "slaughterhouse" sto. nino 2 dasmarinas city. kami po na residente ng brgy. sto. nino 2, dasmarinas city ay lubos na umaasa sa inyong mabilis na pag "AKSYON" sa aming problema.
Maraming salamat po! at more power sa Balitaang Tapat.